Salamin

Maraming istorya ang hinabi ng matatanda. Isa na dito ang pagtingin sa salamin hawak ang isang kandila sa hating-gabi ng kabilugan ng buwan. Ayon sa kwento, ang isang pangitain ay maaaring maaninag sa salamin na magpapakita ng iyong kapalaran. Maaaring isang tao na magiging bahagi ng iyong bukas.

Ngunit sa kabila nito ay may naka ambang panganib ang pagsasagawa ng ganitong bagay at maaring maging daan upang mabuksan ang isang lagusan kung saan ang mga kaluluwa ng nakaraan ay sumabay sa paglabas sa salamin. Dala nito ang matinding pagdating ng di inaasahang mga pangyayari. Maari din namang magduktong ang nakaraan sa hinaharap at magdala ng alaala na pilit na humahanap ng puwang sa kasalukuyan.

Isang kwento na kung iisipin ay di na maaaring mangyari sa panahon ngayon, kung kailan ang tao ay alipin na ng mga kaalamang nagdala na sa kanya sa kalawakan at sa ibang planeta, at ang pagsulpot mga samut-saring gamit na ngayon ay halos nagduduktong ng mga taong nasa malayong lugar, sa isang kisapmata.

Kahapon lamang ay nanood ako ng isang pelikula na nakakatakot. Halos maubos na nga ang boses ko sa pagsigaw habang tinataga ng isang halimaw na tao ang kanyang mga biktima. At maaring dahil dito ay sobrang himbing ang aking pagtulog ng gabing iyon, dala ang takot at di mawaring pagkagulat. Sabi nila, ang panaginip daw ay may dalang mensahe. Ikatlong araw nang paulit ulit ang aking panaginip. Ganoon pa din. Isang bahay na maraming kwarto. Nanduon ang aking pamilya, at nakatira kami sa isang “apartment” na may magkakatabing kwarto. Nakita ko ang may-ari ng bahay, nasa kabilang kwarto katabi ng aming tinutulugan. Kilala ko ang taong ito. Ngunit kahit nakikita nya ako at nakikita ko din sya ay parang magkaibang panahon kami dahil hindi kami nag uusap. Ni hindi nya ako tinitignan ngunit nakikita ko naman sya at kausap nya ang ibang tao sa aking panaginip.  Kagabi lamang ay ganoon na naman. Isang bahay lang nangyayari ang eksena. Nasa kwarto ako, lumabas ako sa salas at natanaw ko ang isang kwarto na nasa tabi ng aking tinutulugan. andun ulit sya, ngunit di ko sya kinakausap. Basta andun lang sya at parang may sariling mundo na hindi apektado kung ano ang aming ginagawa.  Ngunit sya ang may-ari ng bahay, at kami ay nakatira lamang.

Nagresearch ako sa ibig sabihin ng aking panaginip. Ang bahay ay simbolo ng iyong isip at kamalayan at ang kabuuan ng iyong pagkatao. Kung ano ang estado ng bahay ay estado ng iyong kalusugan (ng isip at katawan/kaluluwa). Ang bahay sa aking panaginip ay isang malinis na bahay, parang panahon ng Kastila. Ang mga sahig ay malinis at makintab, ang mga kwarto ay malaki at mayroong isang malaking komedor kung saan makikita mo ang lahat ng kwarto sa paligid. Doon sa isang sulok ay anduon ang taong pangatlong gabi ko nang nakikita. Sya ang nagmamay-ari ng bahay. Ngunit kung ang bahay ay simbulo ng sarili, maari bang ang taong ito ay naninirahan sa aking isip? Hindi naman ako nakakaramdam ng galit ngunit ako ay nagtataka kung bakit sya ang nagmamay-ari ng bahay na aking ginagalawan? Ha. masyado lang akong nanonood ng mga bagay na nakakatakot kaya siguro. Kailangan ko bang kaibiganin si Sigmund at si Carl, upang maintindihan ang naglalaro sa aking isip?

Hindi pa naman ako masyadong tumatawid sa katinuan ng isip kaya’t hindi ko na siguro tatawagin ang taong ito sa salamin. Bukas ay kabilugan ng buwan. Susubukan ko munang matulog ulit at baka sakaling mawala din ang paulit-ulit na panaginip ko. Hindi na din ako manonood ng mga nakakatakot sa gabi. Masyadong malikot ang aking imahinasyon. At lalong hindi ko na din gustong makakita ulit ng mga pangitain, sa panahon na ang tao ay alipin na ng teknolohiya.

-kathang isip, ng makatang isip.

Cricket

Attic

I welcomed you and you were blind,
You’ve opened places
That were once shut-
You  broke rules and I,
just watched you from behind.

Take me away into your madness,
I  no longer fear nor run,
Roam and decipher,
Live and wander,
Within the attic of my (your) mind.

-Cricket

 

 

Mirrors

Mirror, mirror on the wall,
You are the fairest of them all-
Your soul has brightness, resonates,
Envious  moonlight seals our fate.

I lit a candle in the dark,
Shot an arrow, missed the mark,
Mirror, mirror can’t you see?
I see you, and I see me.

Mirror, mirror now I know,
Your heart is hidden in the snow,
Buried deep in ancient stars,
Only time can heal my (our) scars.

(You bleed, I bleed.)

“Marked by ancient splinters…”

-Cricket

Today

 

Something light, something sweet;
something that makes me smile –
Coffee beans and laughter,
happy-ever-afters, unforgotten summer.

A robin passed by and chirped,
the song reminded me of that week;
Something witty, something unique,
Something uplifting, intellectual mystique.

I close the book with a wish,
on bleak days like these-
All I need are coffee beans and laughter,
happy-ever-afters, that unforgotten summer.

(Forever)

-Cricket

 

Until We Part

Until We Part

Drifting souls, bodies gone,
Unspoken words, songs undone,
Traces forever etched,

Left too soon, wicked pride.
hearts that ebbed,
Minds collide

Not quite, not quite,
unbroken thread,
Until we part, in life, in death.

“Infinite. Unbroken. Into the hands of God.”

(One for the road, Monday.)

-cricket

Unspoken

Spill it out, spill it out,
Your mind is a drought.
Sleep has no room
in the wars of the heart;
No justice in silence, no cure in fear-
No healing, no mercy, just your silent tears,
shadows are hiding what’s in the loom;
When  flowers are dying,
and dead in the bloom –
all that’s left is the scent,
of leaving too soon,
like a winter in summer,
a river on the bend,
leading you nowhere,
but tow’rds  imminent end.

 

-Cricket

 

Age of Wisdom

I have gotten old, I have gotten old,
My soul though aged, is loudly bold,
I can shout at my demons, and make them fold,
Spin my emotions into threads of gold.

The sag on my face is a work of art,
My arms are drooping, but my spirit’s stout,
I know I can dream, when they ask me to stop,
Yes I am old, but I am never out.

I traveled across many miles of fear,
Swam  through rivers of endless tears;
I face the unknown, with a pray’r to grow,
threshing the stones, in a javelin throw.

To unveil my truest self, wounded in strife;
Wisdom of the ages, a warrior of life…

-Cricket

Sand

 

I held you in my hand,
you were weak,
slipped through,
like a thunder streak,
vanished from my sight,
pain, our plight,
you are me and I, you,
mirrors, breathing the same air,
longing for the same dream,
each night we reenact,
and renew our pact,
that was written,
a million light years,
of tears-
we have cried,
of a love denied.

epilogue: “Parang kilala kita. Ah, kilala ko pala ang kaluluwa mo. Pero matagal na yun, dahil ilang mundo na ang nagunaw at ang alam ko ay tapos na ang panahon na iyon. Isa ka lang pangitain sa gitna ng dapithapon…” –bakas ng buhangin

 

-Cricket

Just literature written in sand.